Kahulugán At Kung Paano Bigkasín
(click the audio for proper pronunciation)
tuldík ==> - sa ibabaw ng patinig;
ang malumay na salitâ ay waláng tuldík;
ang malumì na salitâ ay paiwà ang tuldík (`);
ang mabilís na salitâ ay pahilís ang tuldík (´);
at ang maragsâ na salitâ ay pakupyâ ang tuldík (ˆ);
(diacritic; diacritical mark; accent; accent mark;
see Diacritical Marks [Palátuldikan] for accented vowels)