Kahulugán At Kung Paano Bigkasín

(click the audio for proper pronunciation)


Palátuldikan ==> (Diacritical Marks) - gabáy sa marapat na págbigkás at págbaybáy sa mga salitáng Tagalog

(a guide for proper pronunciation and spelling of the Tagalog words)

Malumay ==> - waláng tuldík ang mga patinig at kaílangang maríin ang págbigkás sa ikálawáng pantíg buhat sa hulihán ng salitâ

(stress on the penultimate syllable of the word is a must), i.e., dalaga (lady), subalit (but), tahimik (quiet)

Malumì ==> - may tuldík na paiwà (`) at kinákaílangang maríin ang págbigkás sa ikálawáng pantíg buhat sa hulihán at paimpít ang tunóg sa hulíng patinig ng salitâ

(it is necessary to put stress on the pronunciation of the penultimate syllable and with a glottal stop at the end of the word), i.e., batà (child), babà (chin), luhà (tears)

Ang salitáng malumi ay laging nagtátapós sa patinig subalit iní-áalís ó pinápalitán ang tuldík kapág nagtátapos sa katinig, i.e., labì, labing manipís (lip, thin lip);

lagì, laging máaga (always, always early); pawì, pawíin (wipe - noun and passive verb)

Mabilís ==> - may tuldík na pahilís (´) at kinákaílangang maríin ang págbigkás sa hulíng patinig ng salitâ

it is necessary to put stress on the pronunciation of the final syllable of the word), i.e., isá (one), malakí (big), bulaklák (flower)

Maragsâ ==> - may tuldík na pakupyâ (ˆ) at kinákaílangang maríin ang págbigkás at may paimpít na tunóg sa huling patinig ng salitâ

(stress on the final syllable and a glottal stop at the end of the word is a must), i.e., sampû (ten), butikî (lizard), salitâ (word)

Ang salitáng maragsâ ay laging nagtátapós sa patinig subalit iní-áalís ó pinápalitán ang tuldík kapág nagtátapos sa katinig, i.e.,

susô, susóng Hapón (snail, Japanese snail); sampû, sampúng beses (ten, ten times)

Mga Karagdagan (More Information):
1. Lahát ng salitáng may maríing bigkás sa pantíg máliban sa hulihán ó ikálawa mulâ sa huliháng pantíg ay nilálagyan ng tuldík pahilís

(any stressed syllables other than the penultimate and final syllables are indicated by an acute accent, i.e., sásama, páaralán, naglíliwalíw)
2. Ang impít na bigkás sa hulíng patinig ng mga salitáng malumì at maragsâ ay dahil sa pángsámantaláng págtigil sa huliháng bahagì ng pangúngusap.

Kung waláng pángsamántaláng pághintô, ang impít ay pinápalitán ng mahabang bigkás sa hulíng patinig ng salitâ

(The final glottal stop of malumì and maragsâ words occurs before a pause, such as at the end of a sentence.

When not followed by a pause, the final glottal stop is replaced by vowel elongation.)
3. Ang maríin ó pináhabang bigkás sa patinig sa huliháng pantíg ng mga salitáng mabilís at maragsâ

ay hindî kinákailangan kung ang nagsásalitâ ay pángsámantaláng tumítigil sa págbigkás ng salitâ.

Kung waláng pángsámantaláng pághintó sa mga salitáng mabilís, ang pináhabang bigkás sa patinig ay hindî na kinákailangan.

Ang págpapáhabang bigkás sa patinig ng mga salitang maragsâ ay kinákailangan dahil itó ang pumápalít sa páimpít na bigkás sa hulíng pantíg ng salitâ

(The stress on, or vowel elongation in, the final syllable of mabilís and maragsâ words are optional when followed by a pause.

When not followed by a pause, there is no vowel elongation in the final syllable of mabilís words.

In the case of maragsâ words, there is always a final vowel elongation since it replaces the last glottal stop.)