Kahulugán At Kung Paano Bigkasín
(click the audio for proper pronunciation)
Harpias ==> - itó ang mabábangís na diyósá ng mga Gentil,
sila'y nakátira sa gúbat, sa puló ng Estrofadas na malapit
sa ilog Cocito, ang kaniláng katawán ay kahawig ng ibon,
mukhâ'y tulad ng mga dalaga, baluktót ang mga kamáy,
matútulis ang kaniláng mga kukó at may pakpák paniki,
nakámamatáy ang bahò ng kaniláng hininga.
(Female monsters in the form of a bird with human face.
They steal food from their victims while they eat and carry
evildoers to the Erinyes, also known as the Furies)