Panibugho

(may akdâ)


Ikáw ang dahilán, ng kinásapitan,
nitóng magsing irog, na nagmámahalan,
ng iyóng pasukin, kaniláng isípan,
wasák na ang puso't, sawî ng iwanan.

Ating sísimulán, abáng kasaysayan,
ng mág-kasìntahang, kapwà mukháng mangmáng,
magká-klase mandin, sa 'sang páaralán,
sa kanilá'y taós, ang pág-íibigan.

Ang babai'y galing, sa bayang Gabaldon,
Bitulok ang lumang, pangalan ng nayon,
lalaki'y iba rin, ang pinánggalingan,
túbong Sibul Springs, San Miguel, Bulacán.

Silá ay nágkita, sa Philippine Statesman,
isáng pamántasan, sa Cabanatuan,
dakilà ang pita't, musmós ang isipan,
ni waláng hinagap, sa kawaláng malay.

Ng siláy mágtapós, ang unang ginawâ,
hanapin ang palad, duón sa Maynila,
tinahák ang landas, mayroóng adhíkâ,
ang sa karúnunga'y, maging dalúbhasa.

Nágsunóg ng kilay, kasama ang dasál,
kapwâ dî lumímot, sa pagmá mahalan,
ng magpápasko na, lalaki'y nágpasyál,
binalak makita, mahál na katipán.

Duón sa Morayta, siyá ay nágtungo,
lubós ang ligaya, hindî biru-biró,
babai'y nágwika, samándalí lamang,
íhatíd mo ako, sa 'ming páaralán.

Habang hiníhintay, giliw na kasuyò,
máyroóng dumatíng, sa warì ay sundó,
dî ngayón malaman, dahilán ba'y liko,
ng bigláng umalì, itong panibugho?

At pináglabanan, itóng gunám-gúnam,
hindî nágpakita, ng masamáng asal,
nasa páaralán na'y, dî pa bumíbitáw,
itóng kanyáng sundó, hinala'y karibál.

Sa puno ng hagdán, sila ay dumatál,
sa mga nangyari, ay nagúguluhán,
anó ang nagawá't, pinarúrusahan,
nitóng iníirog, na tangì n'yang mahál.

Siyá ay ngumití, saká nág-paálam,
sabáy ang talikod, sa sintáng katipán,
ni hindî malaman, dî máunawaan,
imbíng kasintaha'y, isá ng pusakál.

Lalaki'y umuwì, upang palipasin,
mahabang bakasyon, balak ay mág-alíw,
ngunit dî malimot, ang babaíng giliw,
laging dinárasal, huwág sanang mág-maliw.

Bakasyó'y natapos, balík sa Maynila,
sunóg pág-áaral, pahingá ay walâ,
dî ináasahan, di kagínsa-gínsa,
mga kaibiga'y, dumatíng, nág-yayá.

Ang mga katoto'y, mayróng sapántaha,
at gustóng malaman, kaniláng hinala,
silá nga bá'y sadyáng, malayo na kapwâ,
ano ang dahilá't, linimot ang sumpâ?

Duon sa Luneta, silá ay namasyál,
hindî akalaíng, kasama ang mahál,
nuon napághulo, ang kaniláng pakay,
mulíng magkábalík, ang nagmámahalan.

Umandár na namán, itóng panibugho,
ni ayaw makiníg, kahit na sa púso,
mataás ang dangál, ugali'y palalo,
binali-walâ n'yá, ang kanilang payo.

Mariíng nangusap, sinabing bigláan,
masakít na bagay, na di malímutan,
"bakit nagawâ mong, ako'y págtaksilán,
gayóng alám namáng, ikáw lang ang mahal?"
Nawalán ng modo, dito sa katipán, mabuting ugalì, ay nakálimutan, hindî na naisip, bigyan ng katwiran, ang luwasa't hulò'y, di manláng inalam. Babaí'y náiyák, ang luha'y bumukál, dahil sa nasabing, imbíng kamalian, magsisí man ngayon, hulí na ngang tunay, pagkat kanyáng púso'y, isá ng sugatán. Pangímbuló mandí'y, wala kang katulad, mga pangyáyari'y, bakit minárapat? Ang pagdúrusà ba, ang siyáng katapát, ng iyong págbuyó, na di násalungát? Bakit mo nilason, itóng kaisipán? Bakit mo sinirâ, ang kaniláng búhay? Mga kabátaang, tapat kung mág-mahál, sa ‘sáng kisáp matá’y, iyóng sinúgatan. Páanong gágawín, para máiwasan, imbíng panibugho, sa hungháng na buhay, ikaw nga marahil, ang kadáhilanan, ng paghíhiwaláy, ng magkásintahan? Hindì mapígilan, hindì masawata, dì rin má-ialís, masamáng gunitâ, ang kasámaán mong, laging pinúpunla, pangarap na tuwâ, ay nagíging luksâ. Anó pa máng hirap, sadyáng bábakahin, huwág ka lang pumasok, dito sa damdamin, pagkat ang dulot mo'y, masamáng panimdim, pawáng kamálian, at madláng hilahil. At sa mutyang giliw, na minsang minahál, dahil sa hinala, ay nagawáng iwan, hindî man nínais, na iká’y layuan, itóng panibughó’y di napáglabanan. Nawa'y patawarin, sa nagawáng asal, sa pagkákamalî, na waláng kapantay, sa mahal na Diyos, tanging dinárasal, ang lumigaya ka, sana ay pakinggán.